Tuesday, August 18, 2015

Binay : Yumaman kami sa Makati

Binay : Yumaman kami sa Makati


http://newsinfo.inquirer.net/714029/binay-i-have-made-makati-rich


Vice President Binay said he made Makati City into richest city.


“I have made Makati rich,”. He said when he assumed office as appointed mayor on February 1986, Makati had P243 million. By the time he ran for vice president in 2010 Makati City’s income had ballooned to nearly 50 times or about P11 billion. He served Makati as the undefeated mayor for 21 years.


“Theirs are but plans and promises about things that we have already done in Makati,” he said in obvious reference to the aim for progress through reforms that Interior Secretary Mar Roxas has been mentioning in his speeches.
In an apparent swipe at Senator Grace Poe, whom critics said lacked experience to become president, Binay said school principals have spent many years being teachers and a company president could not attain that position without gaining experience as an employee.


Ang sabi ng Vice President (na Sinungaling at Magnanakaw) siya daw ang nagpayaman sa Makati. Noong 1986 ang budget ng lungsod ay 243 million at nang tukbo syang Vice President noong 2010 ang budget na ng lungsod ay 11 billion. Na sya daw ang may gawa sa panunungkulan nya ng 21 years bilang mayor.



Kung pakikinggan natin ang sinabi ni Binay, masasabi mong magaling nga. Pero saan nga nagmula yung budget nila at bakit ganun kalaki ang pera ng lungsod. Sa panahon na nagsimula siyang maging Mayor na Makati ay 243 million ang pera ng lungsod Maswerte na nga siya at may 243 million na agad siya noong panahon ng 1986. Malaking pera na yan sa isang lungsod. Bakit biglang lumubo ng 11 billion ang budget ng Makati ng panahon 2010. Dahil sa mga negosyante na nakatayo sa Makati.


Ang budget ng lungsod ay kinukuha sa Internal Revenue Allotment o IRA. Kung saan may kabahagi (o share) ang lungsod sa mga nalilikom nilang pagbabayad ng buwis (o tax). Kaya kung ang iyong lungsod ay kakaunti lang ang establishment at building, puro mga residential houses lang. Lalabas na maliit lang ang makukuha mong IRA kaya ang resulta maliit din ang budget ng lungsod. Ngunit kung ang lungsod mo ay maraming establishment at gusali, talaga malaki ang makukuha mong IRA. Tulad na lang ng Makati, halos hitik sa bunga ng malalaking gusali ang lungsod na yan. Sa dami ng establishment na nakatayo. Paano hindi lalaki ang IRA nila. Umabot ng 11 billion noong 2010. Siguro ngayon mga lagpas 11 billion na ang budget nila.


Kaya huwag sasabihin ni binay na siya ang nagpayaman sa Makati. Ang tunay na nagpayaman sa Makati ay ang mga Ayala, kung saan nandoon sa lugar nila ang karamihan ng mga establishment at building. Nagbabayad sila ng buwis sa kanilang mga negosyo. Subukan kaya ni binay na mag mayor sa Maguindanao, tignan ko lang kung mapayaman nya ang bayang iyon.


Ito ang ginagamit nya ngayon propaganda sa kanyang mga pagbisita sa mga probinsya. Na pinayaman nya daw ang Makati, kawawa nmn ang ating mga kababayan sa kanyang KASINUNGALINGAN. Ano pa ba ang maaasahan natin sa taong ito, puro kayabangan ang taglay.


Ang katotohanan pa nito, na siya at ang pamilya nya ang talagang yumaman ng dahil sa lungsod ng Makati. Lahat na lang ng pagkakaperahan ay ginawa na niya. Tulad ng mga:
     Infrastructure Project - - - - - - - - - - -13 % kickback
     Occupancy Permit - - - - - - - - - - - - -Isang Unit sa Building
     Security Agency ng City Hall - - - - -  Binay ang May-ari
     Gamot sa Ospital ng Makati - - - - - -  3 to 4 times ang singil
     Cake - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - Binay ang May-ari
     Canteen sa City Hall at High School - Binay ang May-ari
     Property ng Meriras - - - - - - - - - - - - Binay ang May-ari
     Ghost Employee City Hall - - - - - - - -Binay ang Sumasahod

At marami pang iba, na lingid sa atin pagkakaalam. Ilan pa lang yan sa kanilang pinakakakitaan na nahayag na din sa media. Kaya ang tanong saan manggagaling ang kanila billiones kung wala ibang pagkukunan ng pera. Pagkatapos pagnakawan ang lungsod, ipagmamalaki pa na siya daw ang nagpayaman nito. Kung nagawa niya itong pagnanakaw sa kanyang lungsod, hindi malabong magawa na din ito sa buong bansa.


Binay mahiya ka naman sa mga pinagsasasabi mo. Lantad na nmn ang kurapsyon na pinag-gagagawa mo. Mahiya ka naman sa taong bayan na nagbabawad ng buwis. Napakawalang hiya mong tao ito. Vice President ka pa nmn.

No comments:

Post a Comment