Friday, August 21, 2015

Binay Happy 1st Year Anniversary sa Iyong Pamilya, Isang Taong Punong-puno ng Anumalya sa Inyong Lungsod

Binay Happy 1st Year Anniversary sa Iyong Pamilya, Isang Taong Punong-puno ng Anumalya sa Inyong Lungsod



http://www.rappler.com/nation/103319-pimentel-defend-senate-investigation-binay

Isa-isahin natin ang mga nagawa ng mga Binay sa kanilang Lungsod (Makati) :
Ilan pa lang yan mga nagawa ng Pamilya Binay sa Lungsod ng Makati, marami pa lalabas sa mga susunod na panahon. Sa laki ng budget ng kanilang lungsod halos lahat na lang ay pinagkakakitaan. Kaya hindi nila mabitaw-bitawan ang pamumuno sa Makati, dahil sa pera. 

Hindi siguro sapat na dahilan na lagi nilang sinasabi na "politika lang yan". Unang-una ano ba pinasok nilang trabaho sa gobyerno? Pagpasok mo pa lang sa pamahalaan alam mo na sa sarili mo na nakadikit na ang politika sa buhay mo. Hindi lahat ng nayayari sa buhay gobyerno ay masaya. Alam mong may makakalaban ka at babatuhin ka ng kung anu-anong akusasyon. Dapat lagi kang handa "boys scout" sa lahat ng mga issue. Naturingan pa nmn abogado, hindi kayang ipagtanggol ang sarili sa harap ng bumabatikos sa kanya.

Dapat lang siguro niyang ipaliwanag sa mga tao kung ano ang totoo. Dahil tao ang nagbibigay sa kanya ng sweldo, buwis ng mga tao ang nagpapasweldo sa kanya. Hindi yung lagi niyang sinasabi na "hindi totoo yan", "naninira lang sila". Yan ba eh sagot ng abogado? Kung humarap na lang sana siya sa Senado at pasinungalingan ang lahat ng alegasyon, eh di sana natapos na. Natatakot daw siya baka hiyain ng mga senador. Pero bakit siya natatakot na hiyain, kung sa sarili nya na alam nya ang totoo, dapat mas matapang siyang humarap at pahiyain niya ang mga senador pati na din ang mga nag-aakusa sa kanya.

Sana nmn makapag isip-isip na ang ating vice president kung ano talaga ang tama. Maawa nmn siya sa bansang pilipinas na hindi na makaahon sa kahirapan. Dahil sa mga politiko na puro pagnanakaw ang alam, mangupit, magdelihensya at magbulsa ng pera sa kaban ng bayan. May edad ka na vice gumawa ka nmn ng tama. . . . . 

No comments:

Post a Comment