Wednesday, August 19, 2015

BINAY Nagagalit sa Police Kapag Pinatutupad ang Batas

BINAY Nagagalit sa Police Kapag Pinatutupad ang Batas



http://www.philstar.com/metro/2015/08/18/1489306/cop-who-defied-binay-new-eastern-police-district-chief


A police who figured in a standoff with VP Binay in June is the new director of the Eastern Police District. S/Superintendent Elmer Jamias assumed command in its headquarters in Pasig City.

Jamias – a PNP Academy Class of 1986 – assumed command after vacated by C/Superintendent Abelardo Villacorta, who is retiring after reaching the mandatory retirement age of 56. His exploits as a Manila policeman led to a movie, titled “Barako ng Maynila,” who played by Sen. Jinggoy in 2000.

Jamias was assigned to head a police task force to maintain peace and order at the Makati city hall after the Ombudsman ordered Mayor Binay Jr.’s preventive suspension in June.

Jamias said the Vice President allegedly threatened and assaulted him and his men, who held their ground when the elder Binay ordered them to allow his and his son’s supporters to enter the city hall building.


Napromote si Senior Superintendent Jamias na maging Hepe o maging Chief Superintendent ng Eastern Police District. Umabot na sa "retirement age" na kanyang pinalitan na si C/Supt. Abelardo Villacorta.


Napili si Jamias na maging hepe, dahil sa kanyang pagtupad sa tungkulin. Maaalala natin na siya yung police na dinuro-duro ng Vice President (na Sinungaling at Magnanakaw). Makikita nyo sa larawan kung paano pagalitan ni Binay itong kawawang pulis. Sabi pa ni Binay "Mag-aaway tayo". Sabihan mo yung pulis ng pag-aaway eh nagpapatupad nga ng katahimikan.


Ang pinagtataka ko lang sa mga pangyayari, kung bakit pinipilit ng mga supporter ni Binay na pumasok sa City Hall. Para hindi maialis sa pwesto itong Binay Jr? May karatapan ang mga pulis na paalisin sila dun, dahil "government property" ang city hall. Ano ang ginagawa nila doon? ano ang business nila? Nandun lang sila para pigilan ang kanilang mayor na paalisin sa city hall. At bakit kasi nagmamatigas pa ang mayor na kung meron ng suspension order. Hindi ba sila marunong tumalima sa batas. Kapit tuko talaga sa pwesto.


Kung mayor ka, at mahal mo ang mga nasasakupan mo. Ikaw na mismo ang magpapauwi sa kanila. Alam mong mapupuyat at mapapagod ang mga tao. At baka maaari pang masaktan o may mamatay. Kung tumalima ka na lang sa utos, eh di wala na sanang nangyari kaguluhan. Ang ginawa pa ng Vice President, kinunsiti pa yung ginawa ng anak niyang mayor ng magkulong sa city hall at barikadahan ng supporter. Biro mo Vice President ka pasimuno ka pa ng kaguluhan. Hindi Vice President ang tawag sa iyo, dapat ang tawag sa iyo Hari, Hari-harian sa Makati.


Kung ganyan ang magiging ugali ng susunod na Presidente, naku matakot tayo. Hindi lang sa Makati sila maghahari-harian, kundi sa buong bansa. Panoorin nyo kung anong ugali meron ang vice president.


https://www.youtube.com/watch?v=Ouuaw0N5m3Y





No comments:

Post a Comment