Saturday, August 15, 2015

Binay to Chiz Double Standard Daw

http://www.manilatimes.net/vp-camp-hit-chizs-double-standard/209008/

The camp of Vice President scored the double standard of Sen. Chiz, a former ally, in his comments on cases filed against the Vice President and Sen. Grace Poe.

Sinabihan ng kampo ng Vice President (na Sinungaling at Magnanakaw) si Sen. Chiz na Double Standard sya. Nang nag-comment siya na yun daw ay "harassment" hinggil sa pagsampa ng kaso laban kay Sen. Grace. 


“It is time to respect our laws and court processes. Rather than preempt and influence the SET with loose statements, it is better for Senator Escudero and everyone else to reserve individual comments, respect the parties and let the wheels of justice take [their] course.”

Respetuhan na lang daw na gumulong ang proseso ng hukuman. Huwag na lang daw mag comment para hindi makaimpluwensya sa mga kinatawan ng Tribunal.

Wala nmn sigurong masama kung sino man ang mag comment hinggil sa pag file ng kaso laban kay Sen. Grace, lalo na si Sen. Chiz na malapit na kaalyado nito. Hindi mo maiaalis sa tao na magpahayag ng damdamin laban sa kaibigan. 

Magtataka din ang marami kung bakit ngayon lang naisip ni Rizalito David (dating tumakbong senador) na mag file ng kaso, nagtatatlong taon na si Sen. Grace sa Senado, bakit ngayon lang kung kailan may balak siyang tumakbo sa mataas na posisyon. Dahil ba naibunyag sa kampo na Vice President na kulang ang residency nya at walang citizenship dahil sa foundling. 

At bakit pursigidong-pursigido itong si Rizalito David na madisqualify si Sen. Grace, bakit siya ba ang susunod na pagkasenador pag natanggal si Sen. Grace? Kung matanggal man si Sen. Grace, ang susunod ay si Dick Gordon. Ang malaking tanong bakit sya ang naghahabla kay Sen. Grace. Hindi nmn siya ang makikinabang.

Pwedeng pakawala ito ni Dick Gordon, o kaya nmn pakawala ito sa kampo ni Vice President. Kung maalala natin na tinanggihan ni Sen. Grace si VP Binay na maging Vice President nya. Biglang naglabasan ng ebidensya sila Toby Tiangco at JV Bautista, hinggil sa residency ni Sen. Grace at pagiging foundling. Ngayon ng natahimik na ang isyu tungkol sa bagay na yan. Ito lumabas na si Rizalito David. Maaari ginawa nila itong "fall guy" para siya ang sisihin. 

Maaalala din natin na walang pambayad si Mr. David ng filling fee at nanawagan siya sa media. Pero kinabukasan biglang bigla meron na siya agad malikom na pera. Sino ba ang maaaring nasa likod ni Mr. David na gustong ma disqualify si Sen. Grace. Sino ba ang naglalabas ng mga ebidensya laban sa Senadora.

No comments:

Post a Comment