Tuesday, November 10, 2015

BINAY Kayang Kontrolin ang Kuraption, Pero Hindi Ang Kahirapan Kaya Yun Ang Problema Nya


BINAY Kayang Kontrolin ang Kuraption, Pero Hindi Ang Kahirapan Kaya Yun Ang Problema Nya

http://opinion.inquirer.net/90114/the-ethics-of-jejomar-binay

Ang pahayag kamakailan ng Vice President (na Sinungaling at Magnanakaw), sa isang forum na ang Corruption daw ay hindi problema at ang kahirapan daw ang tunay na problema. Nakakatuwang isipin na hindi nya problema ang Corruption, dahil alam nya sa isip nya na siya mismo yung pinapatamaan ng salitang ito.

Mga nakaraang interview niya, siya na mismo inamin niya na ang Corruption ay Controllable naman daw kaya siguro hindi na problema. Pakinggan natin:


Kaya ang palagi niyang sinasabi na Ganyan Kami sa Makati.

Ang tunay daw na problema ay Poverty. Kung ganun naman pala na ang problema ng lipunan ay Poverty, bakit sa bakuran pa mismo niyo sa Makati meron pa din squatter. Biro mo naging mayor kayong mga Binay sa Makati ng almost 30 yrs, hindi nyo naresolba ang problema sa squatter o informal settlers. Sa laki ng budget ng inyong lungsod di ninyo nasolusyonan. Tapos sasabihin mo problem ang poverty na hindi mo kaya sa Makati, ngayon gusto mong maging presidente na ang problema ng poverty ay buong bansa. Ikaw ang mamumuno? 

Nag tanong nga ang isang estudyante ng UPLB na kung meron pang informal settlers sa makati na ang tugon mo ay wala. Nag follow-up question ang estudyante na ang sabi "meron pa, hindi nyo po ba nakikita?". Sagot nyo ay "yun ba mga 3 to 4 percent na lang yun, o halos wala". Kaya ng naipit kayo ng estudyante na pabalik na tanong "sabi nyo po wala, pero 3 to 4 percent na lang, eh di meron pa ho". Tignan mo kasinungaling mo, Vice President ka pa nmn, sasabihin mong wala pero meron naman.

At ipapaalala ko lang Vice President (na Sinungaling at Magnanakaw) na ang 3% ng informal Settlers ng Makati ay hindi halos wala. Ang populasyon ng Makati ay 550,000. Ang 3% po niyan ay 16,500. Napakalaki po niya na sinasabi ninyong halos wala. Yan po katumbas na ng 3 hanggang 5 barangay. Ang lakas ng loob ninyong sabihin na halos wala. Wala talagang matinong makukuha sa inyong sagot sa mga isyu.

MAGTIGIL ka BINAY . . . . . . . 

No comments:

Post a Comment