Saturday, September 5, 2015

Family of Thieves: BINAY : May "B" Din Ang VP Ko ...

Family of Thieves: BINAY : May "B" Din Ang VP Ko ...

BINAY : May "B" Din Ang VP Ko ...

BINAY : May "B" Din Ang VP Ko ...



http://www.interaksyon.com/article/117059/bongbong-as-his-vp-but-what-of-marcos-human-rights-record-binay-says-time-to-move-on



"kino-consider natin part of the constitution of our selection committee si Senator Bongbong."

"Pero alam mo, eh ... we have to move on. In fact, I want to reiterate what I have been saying. I want to be known na, under my administration, we have a unifying and healing administration. Enough of this. Let's move on. So hindi issue ang human rights. That's not even applicable. Si Bongbong, iba naman si President Marcos. Tapos na 'yun ," he said.


Kinukonsidera ni Vice President (na Sinungaling at Magnanakaw) na maging Vice President nya si Sen. Bongbong Marcos. Hindi na daw issue ang human rights. Tapos na daw ang noong pang panahon ng Martial Law. Iba nmn daw si Bongbong kay President Marcos.

Wala na talagang mapili si Binay na maging running mate, pinupursigi nya talaga sa publiko ang pangalan ni Sen. Bongbong na maging VP nya. Wala nmn ibang pangalan na maibigay na kabilang sa pagpipilian o talagang wala na. Minsan ay nagpahayag din siya na pwede naman siyang tumakbong presidente na walang bise. Sa ganun mga pahayag ay pwede talaga wala na siyang option o pagpipilian maliban kay Sen. Bongbong.

Pag-nagkataon pa ay baka magpahayag na din si Sen. Bongbong na hindi pa sya handa sa ganyang posisyon. Syempre mag-iisip din si Sen. Bongbong kung ano pulso ng nakararami. Sa panahon ngayon ay tila marami pa din ang di sang-ayon pagtakbo nya sa mataas na posisyon. Siguro dahil na din sa naging karanasan ng karamihan noong panahon ng Martial Law. At naiisip din ni Sen. Bongbong ang nakapadaming katiwalian na binabato kay Binay, ayaw nya din siguro na madagdagan pa ng ibang dungis na ipupukol sa kanya. Hindi katulad ni Binay na may maisip lang kahit mali, ipapahayag nya, Magrarason na lang para maging tama. Dyan sya magaling mag isip. 

Hindi na daw issue ang human right kung iuuganay kay Sen. Bongbong. Maaaring hindi issue kay Sen. Bongbong, pero napakalaking issue yan sa iyo Vice President. Sapagkat marami kang pinahirapan sa panahon ng iyong panunungkulan bilang mayor ng Makati. Ipinahahayag mo lang sa madla at sa media na maganda ang ginawa mo sa Makati. Ngunit sa likod ng mga pinahahayag mong magaganda ay napakalaking corruption na naganap. Mga taong pinalayas mo sa Makati, mga denemolish mong mga bahay na halos magmakaawa sa iyo ang mga residente na huwag mapaalis. Na pinakinabangan mo ng maraming panahon, ito ang human rights na sinasabi mo?

At ang sinasabi mong unifying president. Unified na nga kayo ng mga corrupt diba. Magkakasama na nga kayo diba? Sina Cong. Gloria, Si Erap, Si Jinggoy, Si Enrile, Si Bong Revilla at marami pa kayong makukuha corrupt para ma-unify kayo.

MAGTIGIL ka BINAY.